Saturday, December 23, 2006

Kuko


Dahil sa malandi ako may bago akong kinagigiliwan ngayon, ang artificial nails. Sa totoo lang hindi ko alam kung kelan at saan ko yun gagamitin. Natutuwa lang talaga ako sa disenyo ng mga pekeng kuko na iyon. Kaya bumili ako ng isang pares. Sinubukan ko itong ilagay kahapon at hirap na hirap talaga akong magtext at pumulot ng mga bagay at hindi nagtagal tinaggal ko rin ang mga ito. Hindi rin masyadong nakakatuwa ang magkaroon ng mahahabang kuko.


Naalala ko tuloy si mystica na may napakahabang pulang mga kuko. Sa totoo lang mukha siyang mangkukulam sa mga kuko nya. Buti na lamang at hindi ito kulay itim.


Hindi ko talaga pinapahaba ang aking mga kuko dahil hindi naman ako sanay ng may mahabang kuko at madali din akong mairita kapag may kung anong sumusuot sa kuko ko at nakakadiri din.


Kung minsan naiinggit ako sa mga taong may mahahabang kuko dahil maganda talagang tignan kapag may nail polish. Pero ano nga naman ang magagawa ko e hindi talaga ako sanay.


Salamat sa artificial nails, kahit minsan lang sa aking buhay ko naramdaman ko ang kaligayahan ng may magagandang mga kuko.


14 comments:

iskoo said...

ako laging may bagong nail cutter sa bulsa (keycahin) kasi tama sabi mo mahirap may mahabang kuko. buti nalang may mga disposable na kuko para ma enjoy ng mga ladies ang magandang daliri na may mahaba at magandang kuko :)

merry christmas...

Ray said...

haha kapag naka-artificial nails ka pala, dapat feeling prinsesa ka at may tagagawa ng mga bagay para sa 'yo tulad ng pagtext.

I've seen Mystica in person! Andami ngang abubot sa katawan nun. Pero mabait naman siya (first impression) saka di siya snob.

I don't want long nails either. Nakakadiri saka hindi ako komportable.

gail said...

nakakarelate ako sa blog entry mo!!! natatawa tuloy ako habang nagbabasa hahaha! parehas tayo.. gusto ko rin ng mahabang kuko kase maganda sya tignan pag may nail polish kaso di talaga ako marunong magmaintain eh kaya pudpod yung gupit ko. chaka para narin walang mga namumuong libag sa loob hehe. salamat sa pagbisita sa blog ko kaibigan happy holidays! :D

Ferdz said...

Nakakatuwa naman yang accesory mo. hehe. Cguro di mo naman kelangan isuot, kahit i display mo na lng dahil sa design.

Happy holidays!

Ang-ang said...

hay nako maraming ganyang kuko ang mama ko noh hehehe lol

mousey said...

ayaw ko rin mahaba ang aking kuko kasi kinakagat ko. sa artificial nails naman di ko rin yan alam ilagay.

cruise said...

kakatwa, napansin ko nga meron na mga artificial na kuko, kilay, buhok, kilay atbp. maganda sa paggamit ng mga artificial na ito ay di masisisra ang tunay sa pag e explore kung anong babagay na style para sa yo.

happy new year!

mousey said...

happy new year!

ito para sa iyo.

cruise said...

have a fruitful and blessed new year debie!

Iskoo said...

Peace in your heart
Warmth in your soul
Contentment in your life
Joy in your home
May you always be blessed with these priceless treasures!
Happy New Year to you and your family!

kyels said...

I like the design ... Heehee.

Manigong Bagong Taon!

(:

sayote queen said...

wow! artificial nails. mukhang maganda ah. kaso parang di ko bagay isuot hehehe :)

Salman khan said...

Best New Year Wishes 2017
New Year Status For Whatsapp
Inspirational Quotes 2017
Inspirational New Year Quotes and Sayings

Akshay said...

Father's Day is celebrated for a special person of the family - father. All the sun and daughter are express love feeling with their dad and make a day extremely special. If you want to celebrate this Father Day with your father, then you need to some Beautiful Fathers Day Images, father's day poem Fathers day Wallpapers, and Fathers Day GIF. Here we collect best Fathers Day Quotes Images for you. Father's Day is celebrated in all over the world on the different days.