Monday, December 4, 2006

Ang Pinakamamahal kong Choko-Choko


Kaninang umaga habang ako'y nahihimbing, nagising ako sa sinag ng araw. At dahil sa linggo naman ngayon tinamad akong bumangon. Kaya nagnilay-nilay muna ako ng ilang minuto hangang sa naisipan ko nang bumangon.


Pagkatapos kong mananghalian, wala na akong maisip gawin. Napagisipan kong gusto ko palang kumain ng Choko-Choko ngunit wala namang ganoong tinda sa pinakamalapit na tindahan dito saamin. Kaya nagpunta ako ng SM magisa para bumili lang ng Choko-Choko. At pagkadating ko sa Supermarket hinanap ko kaagad ang aking pinakaaasam-asam na Choko-Choko.


Pagkalipas ng ilang segundo lamang nasa kamay ko narin sa wakas ang kukumpleto sa aking araw. Maligayang-maligaya talaga ako.


Maraming Salamat sa SM supermarket sa pagtulong sa pagkumpleto ng aking araw.


At higit sa lahat maraming salamat saiyo Choko-Choko, kinumpleto mo ang aking araw.


Ikaw ang aking inspirasyon sa entry-ng ito.

6 comments:

Ferdz said...

Kakagaling ko lng din sa SM para mag grocery! hehe. Buti naman at nakabili ka ng choco-choco mo. At tribute pa sya!

gail said...

hahaha! adik din ako jan...huhu inggit ako..

Iskoo said...

ngayon ko lang napansin na may individual pack na pala ang choco choco, nice. kahit ikalat mo ng ganyan oks na oks pa rin, safe na safe :)

cruise said...

penge! hehe. ubos na nga pala. mahilig din ako sa choko choko :)

Iskoo said...

re: cartoons.. buti nalang anime ang pinanonood ko :)

Sayote Queen said...

Trip na trip ko rin ang choko-choko! :) Nung high school ako, konti pa ang sampu sa akin wakokokoko :)