This would be my last post about antiques and all those stuff in the north.
Nakakatamad pumili ng mga litratong ipopost. Sa sobrang dami nakakalito na kasi puro naman antiques, mga tanawin, dagat, buhangin, araw, lupa, windmill, kabayo, itik, kung ano ano pang hayop, mga lumang bahay, at kung ano ano pang pwedeng makita sa norte.
To pack it all up, basta nagpunta ako sa norte, kumuha ng mga litrato, naligo sa dagat, at nagpalamig sa Baguio, kumain ng kumain at kumain ng sundot kulangot, na talaga namang nakakapagod kainin, uminom ng strawberry wine na lasa namang beer, napagod, napagod, at napagod talaga.
Kung titira ako sa Baguio siguro pagkatapos ng isang taon my lung cancer na ako. Hindi ko mapigilan na hindi magyosi dahil sobrang lamig talaga.
Higit sa lahat ang highlight ng aking paglalakbay, ang istatwa ng hubad na babae na nakatapis naman.
Sa totoo lang hindi naman talaga yan ang highlight ng aking paglalakbay kundi si manong driver ng kalesa sa Vigan na talaga namang hindi ko malilimutan dahil talagang hindi kami magkaintindihan dahil sa hindi sya marunong magtagalog. Siguro ay dahil sa masyado na syang matanda. Kaya pilit ko nalang syang iniintindi kahit mahirap talaga.
Overall, naging masaya talaga ang aking paglalakbay.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
9 comments:
bakit naman may tapis pa yang istatwang yan?? hahahaha total nude na dapat, wala na ngang pang-itaas eh!!
pumunta ka sa norte? nadaanan mo dapat yung bridge na mahaba before ng ilocos.. diba ang ganda nung view dun?? kung may cam nga lang ako nung nagpunta kami dun, siguradong inabot na kami ng gabi dahil sa kakapicture ko! haha
anung ginawa mo para magkaintindihan kayo nung kutsero?? hirap nun ah
mabutit inihinto ka nung kutsero heheh... maganda sa norte nag uwi ka ba ng karne norte?
Hahaha! Na-aalala ko yang binibini na yan. Yang ang pagkwento. Buti naman at nag enjoy ka sa trip mo. Baka style lng ni manong yun para intindihin mo sya.
buti hindi kagsuot ng drum yung babaeng istatwa, kasi sa bagiuo, yung mga lalaking nakahubad na wood curving naka drum, hahaha.
wow sarap mamasyal ano? pagbalik ko jan punta din ako ng norte, wish ko magkita din tayo dun hehe :D
Wow, interesting statuette!
(:
Wow, interesting statuette!
(:
sarap ng buhay!
kakainggit! huhuhu...
gusto ko din gumala ng gumala habang pinapatugtog overdrive ng eheads!
very artsitic huh. xur u hav a great personality. nyc works
Post a Comment