Sunday, January 14, 2007

Tsinelas

Ayoko sanang umatend sa community service namin. Kaya lang nung narinig ko na pupunta daw sa ilog napagdesisyunan ko ng sumama.

Nagpunta kami sa Pasong Langka, Silang Cavite. Napakainteresante ng lugar, may water falls pala ung pupuntahan namin.

Nagtataka ako nung una kung ano ba talaga ang pakay namin sa lugar kasi malinis naman. Hindi ko napansin na sa dulong bahagi pala ng ilog ay may mga nakatambak na mga plastic at kung anu-ano pang mga basura.

Nakakalungkot isipin kung bakit merong mga taong walang pakialam sa kalikasan. Basta nalang iniwan ang kanilang mga basura. Meron pang naiwan na pansit. haha!

Dahil sa nakakatamad tumulong, tumayo lang ako sa may tubig habang kinukulit ang aking mga kasama. Sa gitna ng aming kulitan natanggal ang isang tsinelas ko. Inanod sya ng tubig. Sinubukan kong habulin kaya lang wala hindi na hindi ko na nahabol. Nakakainis, nabasa lang ako.

Inanod na ang havaianas ko. Sayang, sayang talaga...

Wala, wala na akong tsinelas gagamitin pauwi. Mabuti na lamang at may mabait na taong taga dun na pinahiram ako ng tsinelas nung pauwi na kami. Nahihiya pa sana syang ipahiram saakin ang tsinelas nya. Sa totoo lang hindi yun hiram, bigay na yun dahil hindi narin naman ako makakabalik sa lugar na yun. Kaya nagpasalamat nalang ako sa kanya.

Ang bilis talaga ng karma. Dahil sa hindi ako tumulong, nakarma tuloy ako. Nakakalungkot isipin na dahil sa katamaran ko inanod ang tsinelas ko. Ang tsinelas kong pinakamamahal....

8 comments:

Anonymous said...

I've linked you up; I hope you would not mind.

(:

Anonymous said...

sayang naman yung sinelas mo, mamahalin pa naman. sana pinaanod mo nalang din yung isa baka may makapulot at mapakinabangan pa nila, hehe. hayaan mo makakabili ka ulit ng bagong havaianas :)

yung presence mo sa community service mahalaga yun. keep it up!

Anonymous said...

glad to know na hindi ikaw ang inanod sa tubig, yung havaianas mo i am sure mapapalitan ng bago :) Silang Cavite malapit lang pala sa ofc namin.

MISYEL said...

naku sayang nga yung tsinelas, di naman siguro karma yun nagkataon lang talaga... may lesson lang dun sa nangyari, sa susunod spartan na lang suot mo kapag mga ganung lakad hehehe :D

MISYEL said...

link pala kita ha, thanks :)

Anonymous said...

ang layo ng pinuntahan niyo ah. pero maganda kasi may falls. and talagang nakakalungkot kasi simpleng pagtatapon lang ng basura di pa magawa ng mga tao. disiplina lang eh. wala pa. tsk.

aww sayang talaga ang havaianas mo. pero ambait nga nung taong yun kasi di ka naman niya kilala pero binigyan ka ng tsinelas makauwi ka lang. pano kaya kung walang nagpahiram sa yo? hehe

Anonymous said...

oks lang yun mapapalitan naman. kaysa ikaw yung naanod. sa susunod botas na gamitin mo mas mabigat haha

Anonymous said...

Sayang yung tsinelas! Nasama lng sa basura. ANong ginawa mo sa pares? Hayaan mo... sa susunod pag ikaw na tumulong baka me makuha kang bagong tsinelas na na-alon din