Friday, December 8, 2006

Ooo yes!

Tumalon ako sa building at pagkalagpak ko sa sahig bumangon ako at tumakbo, tumakbo, at tumakbo ng mabilis hangang sa bigla nalang akong kinain ng lupa.

May nagbukas ng pinto at may babaeng nakatayo sa harap ko.

"Hindi ka ba papasok?..anong oras na o?!."

"Ha?"

Sinilip ang orasan at limang minuto nalang bago mag ala-siete ng umaga.

Ala-siete ang simula ng klase.

Bumangon, kumaripas, naligo, at nagtutbras.

Ang mga bagay ay parang npakabilis. Hindi ko namalayan ang oras.

Kinuha ang i-pot at sinaksak sa tenga.

Pumasok sa eskwela ng walang laman ang tiyan.

Pagdating sa eskwela wala pa ang teacher na laging nagsasabi ng mga katagang "Don't play genius" sa tuwing may hindi nagagawa ang isang estudyante.

Nalate siya sa unang pagkakataon.

Sa totoo lang hindi ko siya gusto. Dahil napaka-aga niya palaging pumasok. Hindi pa man nagbe-bell ay naroon na siya sa silid-aralan.

Pero sa unang pagkakataon natutunan ko siyang magustuhan bilang isang guro.

Nalate siya sa pagpasok dahil hinanda pa niya ang mga certificate ng mga deanslist.

Nabigla ako ng iabot niya saakin ang isa na may pangalan ko.

Heto ang katibayan:















Ako na palaging late at hindi nakikipag-cooperate sa mga activities ng eskwelahan ay nakatanggap ng isa.

Hindi ko napansin na ang mga maliliit na bagay na ginagawa ko sa loob ng silid-aralan ay mahalaga pala.

Sa bawat araw na ako'y pumapasok sa eskwelahan ang tanging nasa isip ko ko lamang ay ang perang binibigay sa akin ng aking mga magulang at ang makita ang aking mga kaibigan.

Ni-minsan sa aking buhay hindi ako nagpupuyat sa gabi para lang mag-aral, hindi ako nagtataas ng kamay para lang magpapansin sa teacher at maging aktibo sa klase.

Noong ako'y musmus pa lamang umiiyak ako sa tuwing tinatawag ako ng teacher at tinatanong. Sa araw-araw ng aking pagpasol ganito palagi ang aking mukha; nakasimangot, basa ng luha ang mga mata, at napakabagal kumilos.





















Hindi ko napansin na sa aking paglaki natutunan ko na palang pahalagahan ang mga bagay-bagay na noon sa akin ay wala lang.



Akala ko habang buhay na akong takot at walang pakealam...

3 comments:

Anonymous said...

hahaha... astig blog mo...

sarap pa magbasa, madaling intindihin kasi pilipino.. : )

normal na lang sa tud ngayun di nag-aalmusal... la oras eh.. hehe...

Anonymous said...

bisita ka din sakin.. dotep.blogspot.com


tinatamad ako ma-login eh.. hehe... : )

Iskoo said...

ang cute mo pala nung bata ka pa, sarap paggigilan ang mga pisngi, siguro mas cute ka ngayon :) at astig, matalino! keep it up.