Tuesday, December 19, 2006

Ang Isdang Namatay sa Paglangoy

Isdang aking natagpuang
Pata'y na't nangangamoy;
mata'y namuti,
kaliskis at palikpik tuklap na't tuyo.
Katawang nakalubog pa sa
tubig
Bulok na't nangangamoy--
bangkay na.
Mga bangaw na pilit ginigising
ang isdang himbing
sa pagpapahinga sa tubig
na malamig niyang libingan.
O isdang tulala,
anong nangyari sa'yo?
Mukhang napagod ka't nagpahinga
at tuluyang namaho.
Kailan ka gigising
upang muling maglaro?
Sa masalimuot
at mabaho mong mundo.


Kaninang hapon habang nililinis ko ang drawer ng lamesa ko, may nakita akong papel na may nakasulat na tula at check ng titser at may mababang marka.

Naalala ko noong isang taon pinagawa kami ng tula ng titser namin sa Filipino Literature, sabi nya lahat daw ng magagandang tula na magagawa namin ay itatago nya.

Dahil sa hindi talaga ako marunong gumawa ng tula isa lang ang aking nagawa at hindi pa talaga ako sigurado kung tula nga ba ang aking nagawa.

Binasa ko muli ang aking tula at naisipang ipost dito sa aking blog bago ko itinapon ang papel para kahit na lumipas na ang mga taon pwede ko parin balikan ang panahon na minsan din akong nakagawa ng isang tula(daw).

4 comments:

Anonymous said...

nabigyan ng buhay yung picture nung nilagyan mo sa tula mo, galing!

Anonymous said...

hehehe. naaliw ako sa mga post mo. salamat sa iyong pagsilip sa aking beerhawz.. kuwa ka lang ng maiinom mo dun ha.. :p merry christmas..

Anonymous said...

galing ng tula! creative hehe..

Indie said...

magaling magaling! hehe..
at ang picture? ang kyoot.