Thursday, December 21, 2006
Tuesday, December 19, 2006
Ang Isdang Namatay sa Paglangoy
Isdang aking natagpuang
Pata'y na't nangangamoy;
mata'y namuti,
kaliskis at palikpik tuklap na't tuyo.
Katawang nakalubog pa sa
tubig
Bulok na't nangangamoy--
bangkay na.
Mga bangaw na pilit ginigising
ang isdang himbing
sa pagpapahinga sa tubig
na malamig niyang libingan.
O isdang tulala,
anong nangyari sa'yo?
Mukhang napagod ka't nagpahinga
at tuluyang namaho.
Kailan ka gigising
upang muling maglaro?
Sa masalimuot
at mabaho mong mundo.
Kaninang hapon habang nililinis ko ang drawer ng lamesa ko, may nakita akong papel na may nakasulat na tula at check ng titser at may mababang marka.
Naalala ko noong isang taon pinagawa kami ng tula ng titser namin sa Filipino Literature, sabi nya lahat daw ng magagandang tula na magagawa namin ay itatago nya.
Dahil sa hindi talaga ako marunong gumawa ng tula isa lang ang aking nagawa at hindi pa talaga ako sigurado kung tula nga ba ang aking nagawa.
Binasa ko muli ang aking tula at naisipang ipost dito sa aking blog bago ko itinapon ang papel para kahit na lumipas na ang mga taon pwede ko parin balikan ang panahon na minsan din akong nakagawa ng isang tula(daw).
Thursday, December 14, 2006
Children's Christmas Party
At dahil sa wala nanaman ang aking mga magulang, kailangan ko tuloy samahan ang aking kapatid sa kanilang Christmas Party sa iskul.
Hindi talaga mawawala sa mga ganitong klaseng mga party ang:

Pasabog ng mga candy

Lootbags
At higit sa lahat ang..

Trip to Jerusalem
------------------------------------

Great Big Hug for the Great Big Teacher

Wednesday, December 13, 2006
Singaw
Dahil sa may singaw ako wala akong gana sa buhay ngayon.
Ano ba ang pwedeng igamot sa singaw na hindi naman masyadong mahapdi?
Ano ba ang pwedeng igamot sa singaw na hindi naman masyadong mahapdi?
Sunday, December 10, 2006
Tanawin
Saturday, December 9, 2006
HoleCOW!
Matutulog na sana ako kagabi nang nakita kong bukas pa ang ilaw sa kwarto ng aking bunsong kapatid kaya pinasok ko ito at inurirat kung ano ang meron.
Friday, December 8, 2006
Ooo yes!
Tumalon ako sa building at pagkalagpak ko sa sahig bumangon ako at tumakbo, tumakbo, at tumakbo ng mabilis hangang sa bigla nalang akong kinain ng lupa.
May nagbukas ng pinto at may babaeng nakatayo sa harap ko.
"Hindi ka ba papasok?..anong oras na o?!."
"Ha?"
Sinilip ang orasan at limang minuto nalang bago mag ala-siete ng umaga.
Ala-siete ang simula ng klase.
Bumangon, kumaripas, naligo, at nagtutbras.
Ang mga bagay ay parang npakabilis. Hindi ko namalayan ang oras.
Kinuha ang i-pot at sinaksak sa tenga.
Pumasok sa eskwela ng walang laman ang tiyan.
Pagdating sa eskwela wala pa ang teacher na laging nagsasabi ng mga katagang "Don't play genius" sa tuwing may hindi nagagawa ang isang estudyante.
Nalate siya sa unang pagkakataon.
Sa totoo lang hindi ko siya gusto. Dahil napaka-aga niya palaging pumasok. Hindi pa man nagbe-bell ay naroon na siya sa silid-aralan.
Pero sa unang pagkakataon natutunan ko siyang magustuhan bilang isang guro.
Nalate siya sa pagpasok dahil hinanda pa niya ang mga certificate ng mga deanslist.
Nabigla ako ng iabot niya saakin ang isa na may pangalan ko.
Heto ang katibayan:
Ako na palaging late at hindi nakikipag-cooperate sa mga activities ng eskwelahan ay nakatanggap ng isa.
Hindi ko napansin na ang mga maliliit na bagay na ginagawa ko sa loob ng silid-aralan ay mahalaga pala.
Sa bawat araw na ako'y pumapasok sa eskwelahan ang tanging nasa isip ko ko lamang ay ang perang binibigay sa akin ng aking mga magulang at ang makita ang aking mga kaibigan.
Ni-minsan sa aking buhay hindi ako nagpupuyat sa gabi para lang mag-aral, hindi ako nagtataas ng kamay para lang magpapansin sa teacher at maging aktibo sa klase.
Noong ako'y musmus pa lamang umiiyak ako sa tuwing tinatawag ako ng teacher at tinatanong. Sa araw-araw ng aking pagpasol ganito palagi ang aking mukha; nakasimangot, basa ng luha ang mga mata, at napakabagal kumilos.

Hindi ko napansin na sa aking paglaki natutunan ko na palang pahalagahan ang mga bagay-bagay na noon sa akin ay wala lang.
Akala ko habang buhay na akong takot at walang pakealam...

Subscribe to:
Posts (Atom)