Kaninang umaga, nagkaroon ako ng pagkakataong sumama sa palengke. Habang nakasunod ako kay manang nakakita ako ng itlog na maalat. Matagal na akong hindi nakakakain ng itlog na maalat kaya nagpabili ako kaagad.
Pagkauwi inalmusal ko kagad ang itlog na maalat at hangang ngayon wala talagang mapagsidlan ng tuwang nararamdaman ko.ahaha!
Kahit na naging ganito ang kulay ng kamay ko
Hindi ko kasi alam kung pano ba talaga kainin ang itlog na maalat kaya kinain ko sya na parang kumakain lang ng nilagang itlog.
Maraming Salamat aling tindera! You made my day!
Sunday, January 28, 2007
Saturday, January 20, 2007
Sunday, January 14, 2007
Tsinelas
Ayoko sanang umatend sa community service namin. Kaya lang nung narinig ko na pupunta daw sa ilog napagdesisyunan ko ng sumama.
Nagpunta kami sa Pasong Langka, Silang Cavite. Napakainteresante ng lugar, may water falls pala ung pupuntahan namin.
Nagtataka ako nung una kung ano ba talaga ang pakay namin sa lugar kasi malinis naman. Hindi ko napansin na sa dulong bahagi pala ng ilog ay may mga nakatambak na mga plastic at kung anu-ano pang mga basura.
Nakakalungkot isipin kung bakit merong mga taong walang pakialam sa kalikasan. Basta nalang iniwan ang kanilang mga basura. Meron pang naiwan na pansit. haha!
Dahil sa nakakatamad tumulong, tumayo lang ako sa may tubig habang kinukulit ang aking mga kasama. Sa gitna ng aming kulitan natanggal ang isang tsinelas ko. Inanod sya ng tubig. Sinubukan kong habulin kaya lang wala hindi na hindi ko na nahabol. Nakakainis, nabasa lang ako.
Inanod na ang havaianas ko. Sayang, sayang talaga...
Wala, wala na akong tsinelas gagamitin pauwi. Mabuti na lamang at may mabait na taong taga dun na pinahiram ako ng tsinelas nung pauwi na kami. Nahihiya pa sana syang ipahiram saakin ang tsinelas nya. Sa totoo lang hindi yun hiram, bigay na yun dahil hindi narin naman ako makakabalik sa lugar na yun. Kaya nagpasalamat nalang ako sa kanya.
Ang bilis talaga ng karma. Dahil sa hindi ako tumulong, nakarma tuloy ako. Nakakalungkot isipin na dahil sa katamaran ko inanod ang tsinelas ko. Ang tsinelas kong pinakamamahal....

Subscribe to:
Posts (Atom)