Nakakatamad pumili ng mga litratong ipopost. Sa sobrang dami nakakalito na kasi puro naman antiques, mga tanawin, dagat, buhangin, araw, lupa, windmill, kabayo, itik, kung ano ano pang hayop, mga lumang bahay, at kung ano ano pang pwedeng makita sa norte.
To pack it all up, basta nagpunta ako sa norte, kumuha ng mga litrato, naligo sa dagat, at nagpalamig sa Baguio, kumain ng kumain at kumain ng sundot kulangot, na talaga namang nakakapagod kainin, uminom ng strawberry wine na lasa namang beer, napagod, napagod, at napagod talaga.
Kung titira ako sa Baguio siguro pagkatapos ng isang taon my lung cancer na ako. Hindi ko mapigilan na hindi magyosi dahil sobrang lamig talaga.
Higit sa lahat ang highlight ng aking paglalakbay, ang istatwa ng hubad na babae na nakatapis naman.
Sa totoo lang hindi naman talaga yan ang highlight ng aking paglalakbay kundi si manong driver ng kalesa sa Vigan na talaga namang hindi ko malilimutan dahil talagang hindi kami magkaintindihan dahil sa hindi sya marunong magtagalog. Siguro ay dahil sa masyado na syang matanda. Kaya pilit ko nalang syang iniintindi kahit mahirap talaga.
Overall, naging masaya talaga ang aking paglalakbay.