Saturday, December 23, 2006

Kuko


Dahil sa malandi ako may bago akong kinagigiliwan ngayon, ang artificial nails. Sa totoo lang hindi ko alam kung kelan at saan ko yun gagamitin. Natutuwa lang talaga ako sa disenyo ng mga pekeng kuko na iyon. Kaya bumili ako ng isang pares. Sinubukan ko itong ilagay kahapon at hirap na hirap talaga akong magtext at pumulot ng mga bagay at hindi nagtagal tinaggal ko rin ang mga ito. Hindi rin masyadong nakakatuwa ang magkaroon ng mahahabang kuko.


Naalala ko tuloy si mystica na may napakahabang pulang mga kuko. Sa totoo lang mukha siyang mangkukulam sa mga kuko nya. Buti na lamang at hindi ito kulay itim.


Hindi ko talaga pinapahaba ang aking mga kuko dahil hindi naman ako sanay ng may mahabang kuko at madali din akong mairita kapag may kung anong sumusuot sa kuko ko at nakakadiri din.


Kung minsan naiinggit ako sa mga taong may mahahabang kuko dahil maganda talagang tignan kapag may nail polish. Pero ano nga naman ang magagawa ko e hindi talaga ako sanay.


Salamat sa artificial nails, kahit minsan lang sa aking buhay ko naramdaman ko ang kaligayahan ng may magagandang mga kuko.


Thursday, December 21, 2006

Procrastinating

Sometimes I just wanna sit on the floor, smoke, and let the time pass by

Tuesday, December 19, 2006

Ang Isdang Namatay sa Paglangoy

Isdang aking natagpuang
Pata'y na't nangangamoy;
mata'y namuti,
kaliskis at palikpik tuklap na't tuyo.
Katawang nakalubog pa sa
tubig
Bulok na't nangangamoy--
bangkay na.
Mga bangaw na pilit ginigising
ang isdang himbing
sa pagpapahinga sa tubig
na malamig niyang libingan.
O isdang tulala,
anong nangyari sa'yo?
Mukhang napagod ka't nagpahinga
at tuluyang namaho.
Kailan ka gigising
upang muling maglaro?
Sa masalimuot
at mabaho mong mundo.


Kaninang hapon habang nililinis ko ang drawer ng lamesa ko, may nakita akong papel na may nakasulat na tula at check ng titser at may mababang marka.

Naalala ko noong isang taon pinagawa kami ng tula ng titser namin sa Filipino Literature, sabi nya lahat daw ng magagandang tula na magagawa namin ay itatago nya.

Dahil sa hindi talaga ako marunong gumawa ng tula isa lang ang aking nagawa at hindi pa talaga ako sigurado kung tula nga ba ang aking nagawa.

Binasa ko muli ang aking tula at naisipang ipost dito sa aking blog bago ko itinapon ang papel para kahit na lumipas na ang mga taon pwede ko parin balikan ang panahon na minsan din akong nakagawa ng isang tula(daw).

Thursday, December 14, 2006

Children's Christmas Party

At dahil sa wala nanaman ang aking mga magulang, kailangan ko tuloy samahan ang aking kapatid sa kanilang Christmas Party sa iskul.






























Hindi talaga mawawala sa mga ganitong klaseng mga party ang:

















Pasabog ng mga candy



















Lootbags


At higit sa lahat ang..

























Trip to Jerusalem
------------------------------------




















Great Big Hug for the Great Big Teacher

Wednesday, December 13, 2006

Singaw

Dahil sa may singaw ako wala akong gana sa buhay ngayon.

Ano ba ang pwedeng igamot sa singaw na hindi naman masyadong mahapdi?

Sunday, December 10, 2006

Tanawin

Sa loob ng mahigit pitong buwan na ngayon, sa tuwing gigising ako sa umaga at dudungaw sa labas ng aking bintana dito sa aming bagong tahanan, ang tanawin na ito ang aking nakikita(maliban nalang sa bahay ng aming kapitbahay na two blocks away ang layo mula sa aming bahay).













Ang Mt. Makiling

Saturday, December 9, 2006

HoleCOW!

Matutulog na sana ako kagabi nang nakita kong bukas pa ang ilaw sa kwarto ng aking bunsong kapatid kaya pinasok ko ito at inurirat kung ano ang meron.
Natutulog na pala siya.
Nang palabas na ako nadaanan ko ang kanyang mga laruan at tumawa ako ng malakas dahil sa aking nakita.
Kaya kinuha ang cam at piniktsuran kaagad.


At kelan pa natutong maghelmet ang cow?

Friday, December 8, 2006

Ooo yes!

Tumalon ako sa building at pagkalagpak ko sa sahig bumangon ako at tumakbo, tumakbo, at tumakbo ng mabilis hangang sa bigla nalang akong kinain ng lupa.

May nagbukas ng pinto at may babaeng nakatayo sa harap ko.

"Hindi ka ba papasok?..anong oras na o?!."

"Ha?"

Sinilip ang orasan at limang minuto nalang bago mag ala-siete ng umaga.

Ala-siete ang simula ng klase.

Bumangon, kumaripas, naligo, at nagtutbras.

Ang mga bagay ay parang npakabilis. Hindi ko namalayan ang oras.

Kinuha ang i-pot at sinaksak sa tenga.

Pumasok sa eskwela ng walang laman ang tiyan.

Pagdating sa eskwela wala pa ang teacher na laging nagsasabi ng mga katagang "Don't play genius" sa tuwing may hindi nagagawa ang isang estudyante.

Nalate siya sa unang pagkakataon.

Sa totoo lang hindi ko siya gusto. Dahil napaka-aga niya palaging pumasok. Hindi pa man nagbe-bell ay naroon na siya sa silid-aralan.

Pero sa unang pagkakataon natutunan ko siyang magustuhan bilang isang guro.

Nalate siya sa pagpasok dahil hinanda pa niya ang mga certificate ng mga deanslist.

Nabigla ako ng iabot niya saakin ang isa na may pangalan ko.

Heto ang katibayan:















Ako na palaging late at hindi nakikipag-cooperate sa mga activities ng eskwelahan ay nakatanggap ng isa.

Hindi ko napansin na ang mga maliliit na bagay na ginagawa ko sa loob ng silid-aralan ay mahalaga pala.

Sa bawat araw na ako'y pumapasok sa eskwelahan ang tanging nasa isip ko ko lamang ay ang perang binibigay sa akin ng aking mga magulang at ang makita ang aking mga kaibigan.

Ni-minsan sa aking buhay hindi ako nagpupuyat sa gabi para lang mag-aral, hindi ako nagtataas ng kamay para lang magpapansin sa teacher at maging aktibo sa klase.

Noong ako'y musmus pa lamang umiiyak ako sa tuwing tinatawag ako ng teacher at tinatanong. Sa araw-araw ng aking pagpasol ganito palagi ang aking mukha; nakasimangot, basa ng luha ang mga mata, at napakabagal kumilos.





















Hindi ko napansin na sa aking paglaki natutunan ko na palang pahalagahan ang mga bagay-bagay na noon sa akin ay wala lang.



Akala ko habang buhay na akong takot at walang pakealam...

Wednesday, December 6, 2006

List of Cartoon Characters That are Bad Influences to Us

1. Dora the Explorer(lakwatcherang negra)

2. Blue's Clues(mahilig magkalat)

3. Winnie the Pooh(lumalabas ng walang panty)

4. Spongebob Squarepants(bobong tanga)

5. Kids Next Door(mga gagong bata)

6. Winx(malalanding ilusyonada)

7. Scooby Doo(duwag)

8. Tom and Jerry(mahilig manira ng mga gamit)

9. Betty Boop(simpleng pokpok)

10. Pinocchio(sinungaling na bata)

Monday, December 4, 2006

Ang Pinakamamahal kong Choko-Choko


Kaninang umaga habang ako'y nahihimbing, nagising ako sa sinag ng araw. At dahil sa linggo naman ngayon tinamad akong bumangon. Kaya nagnilay-nilay muna ako ng ilang minuto hangang sa naisipan ko nang bumangon.


Pagkatapos kong mananghalian, wala na akong maisip gawin. Napagisipan kong gusto ko palang kumain ng Choko-Choko ngunit wala namang ganoong tinda sa pinakamalapit na tindahan dito saamin. Kaya nagpunta ako ng SM magisa para bumili lang ng Choko-Choko. At pagkadating ko sa Supermarket hinanap ko kaagad ang aking pinakaaasam-asam na Choko-Choko.


Pagkalipas ng ilang segundo lamang nasa kamay ko narin sa wakas ang kukumpleto sa aking araw. Maligayang-maligaya talaga ako.


Maraming Salamat sa SM supermarket sa pagtulong sa pagkumpleto ng aking araw.


At higit sa lahat maraming salamat saiyo Choko-Choko, kinumpleto mo ang aking araw.


Ikaw ang aking inspirasyon sa entry-ng ito.

Saturday, December 2, 2006

Panibagong Blog!

Bagong blog.

Nanghihinayang talaga ako sa dati kong blog. Nawala sa isip ko ang kahalagahan ng mga litratong nandun.
Ang blog kc na un ay ginawa kong photoblog dahil meron naman akong xanga.
Pero dahil sa katangahan ko nawala. Sa totoo lang binura ko dahil wala lang gusto ko lang ng panibago.
Kaya lang pagkaraan ng ilang oras napag isip isip ko na hindi ko dapat binura yun.
Sayang sayang talaga.
-----------
Sa tingin ko hindi ko gagawing photoblog ang blog na ito. O kaya naman cguro paminsan minsan magpopost ako dito ng mga litrato na pinagkatuwaan ko lang kung ano pa man. Para hindi naman masyadong boring ang blog na to.

Hindi puro salita at kwento lang.

OO bukas cge bukas nalang ulit.